feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Ordertaker Second Music Video

Labels: ,

Ordertaker was taken on March 25, 2009 - ito yon second video namin ng mga tambays. Si Boboy as Chito - galing mukhang ASTig si Boboy sa video na ito. Si Ken naman ang drummer namin na siya rin at yon ibang tambays ang gumawa ng drum na gawa sa lata. Sa Bass guitar ay si raffy - huwag niyo na itanong sino gumawa ng BASS instrument - haha. Sa lead naman ay si Ryan - ukilili ni Boboy ang gamit niya - akala mo rin marunong - haha. Arvin sa guitara - siya yon rhythm na tatalon talon pa at feel na feel. Haha.

Yon ibang cast ay sina Paris (wrestler), Derio (Mulawin-stuntman),Bokya (Gambler), Stephen, Junnel, Steve at syempre kasali ako dito as waiter. Natapos namin ang shoot sa araw na iyon pero may shoot na kinalangan palita so bali nag shoot ako ulit ng isang eksena - makikita niyo rin yon sa video.

Everybody are having fun on the day we shoot it lalo na yon nagshoot na kami sa wrestling part - sobrang saya ng lahat. All of them contributed and do their own moves, medyo may alam din yon mga tambay sa wrestling at kahit mainit ayos lang.

Panoorin niyo nalang videos namin. Mag comment naman kayo at rate us on YOUTUBE. Subscribe na rin kayo para ma email kayo sa bagong videos namin.




PICS.











Bagsakan Music Video

Labels:

Biglaan lang to ng sabihin ng isa sa mga tambays na mag shoot kami. Kabisado nila yon kantang "Bagsakan" by Chito - Kiko at Gloc9, kaya naman pala gustong gusto nila ito ang magiging music background ng video. Napaka cool ng kanta and I think maganda nga itong subukan.

I never attended any workshop or whatever on video production or editing pero feel ko lang na kaya ko -hehe- so sinubukan namin mag take ng videos. Syempre lahat kami nag contribute ng ideas - si Kentot ang may pakana ng Basura guy as Chito, while si Boboy naman ang nakaisip ng gangster na tutukan yon bata -ewan ko ba bakit yon ang naisip niya-, kay Ryan naman ay idea ko kasi naman wala siyang props damit lang niya - so I ask him to take off his shirt at gawing cape na parang superhero. Hahay ganyan talaga pag walang trabaho kahit ano-ano nalng naiisip.

Hindi ko akalain matatapos namin yon video sa araw na yon at hindi ko akalain ito na nga ang resulta ng video taping namin - naks!!!. O cge watch niyo nalang first music video namin BAGSAKAN. Enjoy!!! Rate us on YOuTube - CLICK HERE TO RATE US.